Ako si Teacher Airyn, isang guro sa Prieto Diaz Central School sa probinsya ng Sorsogon. Dahil sa bagong uri ng Sistema ng ating edukasyon na dulot ng pandemya sa ating bansa, kinailangan naming mag home visits sa aming mga estudyante upang malaman ang kanilang kalagayan at kung paano kami makakatulong. Sa mga nagdaang pagbisita ko sa kanilang mga tahanan ay nagtanong tanong ako sa mga bata kung ano ang kanilang nais upang mas maging komportable silang mag aral sa kanilang tahanan, karamihan ay nais nila ng komportableng lamesa upang sila ay maayos na makasulat at makapagbasa. Bilang isang guro ay hangarin ko na tumulong upang lalo pa silang mag pursigi sa pag aaral.
Sa simpleng bagay lamang ito ngunit malaki ang maitutulong nito para sa aking mga mag-aaral na nagnanais na mas maging komportable ang kanilang pag-aaral lalo na ang pagsagot sa kanilang mga Learning Activity Sheets. Tiyak na kapag natanggap nila ang mga regalong ito ay mas lalo silang gaganahan at magpupursigi sa pag-aaral, gaano man kahirap ang hamon ng buhay.
Iniimbitahan ko po kayong lahat na makiisa at makibahagi sa aking campaign. Anumang halaga ang inyong donasyon ay malaking tulong upang makompleto ang regalong mini table sa bawat bata. Maaring i-share ang link na ito sa iyong facebook account o mga social media platforms.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat.
If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.
Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:
“Mini-Table Para sa aking Mag-aaral sa Kapaskuhan”