Ako po si Myra Resultan dati akong OFW sa Saudi year 2013 – 2015. Cutter and sewer ang trabaho ko. Isa sa napakasayang journey sa buhay ko ang maging bahagi ng advocacy ng BEAGIVER sa simula palang nito. Bago ako umalis noong year 2013 ay bumili ako ng isang bag mula sa kanilang BUY ONE GIVE ONE products kung saan sa bawat bag na mabibili ay may isa pang bag na maibibigay sa isa pang bata. Masayang makatulong sa simpleng paraan, kaya kahit noong nandoon na ako sa Saudi, ay sa BEAGIVER ako bumibili ng bags tuwing may gusto akong regaluhan, dahil sa ganitong paraan ay nakapagreregalo na rin ako sa mga batang mahihirap na patuloy na nagsisikap para sa kanilang kinabukasan.
Kaya noong magbukas ang kanilang online platform na BEAGIVER Campaigns at nagkaroon ng chance na mag initiate ng campaign, pinag isipan ko talaga. Ang naisip kong beneficiary school ay ang San Rafael National High School, kung saan nagtapos ang nanay ko ng elementary at high school. Madalas ikwento ng Lola Sally ko noong nabubuhay pa sya na isa raw si Lolo Jose, ang aking napakabait na lolo, sa mga nagbigay ng suporta para sa pagsisimula ng paaralang ito sa kabila ng kanilang kahirapan.
Hindi man ako sa SAN RAFAEL NATIONAL HIGH School nagtapos ng pag-aaral, naging malapit sa puso ko ito dahil naging inspirasyon ko ang aking Lolo Jose at Lola Sally sa pagbibigay tulong sa kabila ng kahirapan. Para sa kanila, hindi ito naging hadlang para magbigay ng tulong kahit sa simpleng paraan malaki o maliit halaga man ito.
Samahan nyo po ako sa aking journey. Isa po sa pinakamagandang regalong matatanggap ko sa aking kaarawan ang makapagraise ng 100 BEAGIVER bags with raincoat para sa mga bata ng SAN RAFAEL NATIONAL HIGH SCHOOL ng ATIMONAN,QUEZON. Hindi pa man nila magagamit ito ngayon pero iba pa rin yung pakiramdam na makatanggap ng bagong bag a magagamit nila pag bumalik na ang face to face classes.
Alam ko yung feeling na iyon dahil naging bata din ako at iba yung excitement pag may bago akong bag. Siyempre ang sarap makita yung ngiti at maramdaman yung saya nila dahil hindi iyon matutumbasan ng halaga.
Kaya samahan nyo akong MAGTANIM ng PAG ASA sa ating kabataan para sa kanilang mga pangarap sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya.
If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.
Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:
Magtanim ng Pag-Asa: Bags para sa San Rafael National High School