Sa panahon ngayon na tayo ay nakakaranas ng sunod-sunod na kalamidad, pag-ibig ang dapat nating gawing sandigan. Ipakita ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga bagay na makakatulong para makatawid sila sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Ako si Jan Michael Sotto, guro sa Bocaue Bulacan, at sinimulan ko ang campaign na ito upang makatulong sa aking kapwa Bocaueño na nasalanta ng Bagyong Ulysses nitong mga nakaraang linggo. Dagdag pa ito sa bigat ng nararanasan nila araw-araw dahil na rin sa epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Ang bawat pamilya na lubos na naapektuhan ay nangangailangan ng suporta lalo na sa kanilang pagkain araw-araw. Kaya naman sa pamamagitan ng campaign na ito ay target naming magraise ng funds para mabigyan sila ng food pack na kakasya sa pamilyang binubuo ng 3-5 miyembro. Ang food pack ay maglalaman ng mga pagkain na maihahanda nila sa noche buena dahil na rin nalalapit na ang kapaskuhan.
Maraming salamat, Givers! Sana ay sama-sama nating matulungan ang mga Bocaueñong nagnanais na tunay na maramdaman ang diwa ng kapaskuhan. Together, let us give #LoveForBocaue.
___________________________________________
If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.
Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject: LOVE BOCAUE