Bag: Ang BaBAGo sa Pananaw ng mga Bata sa Mababang Paaralan Taguiporo-Cabaruan

Ako si Roldan Pagaduan, isang gurong kasama sa kanyang pang araw-araw na paglalakbay sa loob ng eskwelahan ang kanyang salumpwet na degulong. Substitute teacher ako sa Mababang Paaralan ng Taguiporo-Cabaruan.

Isang araw, sa aking pagmamasid sa loob ng aking silid aralan, aking nakita ang isang bag na tila pamilyar ang logong permanenteng nakaprint sa kanyang harapan. Sa aking panandaliang pag-iisip, napagtanto kong ito’y galing sa isang brand ng gatas kung saan ang logo ay isang oso na puti. Hehe

Ang bag na iyon ay pag-aari ng aking estudyante na tila ba’y maya’t maya ay aking sinusuway. Sa panandaliang iyon ay nakaramdam ako ng awa. Deserve niya ang isang bag na matibay at hindi niya ikakahiya dahil ito ay hindi galing sa giveaway ng mga sikat na brands ng produkto.

Sa aking pananatili sa eskwelahang iyon at aking napansin na maraming bata pa ang nangangailangan ng matibay na bag. Aking nakikita na sa pamamagitan nito, mababago ang kanilang pananaw sa buhay, lalo na sa pag abot ng kanilang mga pangarap.

Ang bag ay hindi lamang lagayan ng gamit pang eskwela. Ito ay kanilang kasangga sa pagharap sa mga pagsubok patungo sa kanilang mga pangarap.

______________________________________________________________

If you have a PayMaya account, you may scan the QR code below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put a note “Bag: Ang BaBAGo sa Pananaw ng mga Bata sa Mababang Paaralan Taguiporo-Cabaruan”.

BEAGIVER Roldan Pagaduan
A 22 years old teacher on a wheelchair.
CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
36/36
From
To
2019/07/09
2021/06/30
recent purchases
Roldan Pagaduan
5 years ago