Tunay nga na ang diwa ng kapaskuhan ay hindi lamang dapat ipadama tuwing buwan ng Disyembre kundi araw-araw. Ang prinsipyong ito ang ginamit ng Project Go 100 para magsagawa ng isang proyekto kung saan ang kaarawan ng Lead Initiator ng grupo ay gawing parang araw ng pasko. Sa mga nakaraang taon, ang proyektong Pasko sa Ikaapat ng Mayo ay nagbibigay ngiti sa mga piling pamilya sa Bocaue sa pamamagitan ng Feeding Program at Gift Giving Activities. Ngayong ito ay nasa ikaapat na taon na, nais ng aming grupo na gawin ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng MERIENDA Packs sa mga piling pamilya sa Bocaue, Bulacan. Layunin nito na ipadama ang diwa ng pagbibigayan kahit hindi araw ng pasko.
Sa halagang PhP100 makapagbibigay na kayo ng Bocaue Merienda Pack na may nilalaman na:
-Sliced bread
-Fruit juice
-Bread spread
-Bottled water
-Biscuit/crackers
Maraming salamat at pagpalain tayong lahat. Bawat kontribusyon ninyo ay may mapapa-ngiting pamilya.
If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.
Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:
Pasko sa Ikaapat ng Mayo: Year 4