Gamit Pang-eskwela Tungo sa Pangarap

Ang Esteban M. Enodio Memorial Elementary School ay isang maliit na paaralan na nakatayo sa bundok sa Baroy, Lanao Del Norte.

Ako si Marl, isang college student na kumukuha ng kursong Agriculture sa Lanao del Norte, at kasama ko ang aking mga kaibigan na college at senior high school students sa campaign na ito. Nagsilbing inspirasyon sa amin ang mga batang masisipag mag-aral dito at ang mga magulang nila na mga munting magsasaka sa bukirin para simulan ang campaign na ito. Ang kanilang paaralan ay malayo sa palengke kaya naman hindi sila agad makabili ng mga pangangailangan lalo na ang mga kailangang gamit ng mga bata sa pag-aaral.

Ang pagbibigyan namin ay mga estudyante mula grade 1-6 at bawat grade ay may 50 na estudyante. May mga madadagdag na school items sa bawat set, depende sa pangangailangan at baitang ng mga estudyante.

Para sa grade 1-3: pad paper, crayons, eraser, sharpener, writing notebook. Para naman sa Grade 4: pad paper, crayons, ruler, notebook, ballpen. Para naman sa Grade 5-6: intermediate pad paper, crayons, ruler, notebook, crosswise pad paper, ballpen. Ang mga school supplies na ito ay nakalagay din sa plastic envelope na magagamit nila.

Alam namin na ang mga bagong school supplies na matatanggap ng mga bata ay magsisilbing inspirasyon para mas ipagpatuloy pa nila ang kanilang pag-aaral kahit nasa bahay lang sila at hindi nila kailangang huminto. Ang bawat set ng school supplies na kanilang matatanggap ay instrumento upang maabot nila ang kanilang mga pangarap. Kaya naman kami ay kumakatok sa inyong mga puso upang mabigyan ng bagong set ng school supplies ang mga mag-aaral sa lugar namin.


If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:

Gamit Pang-Eskwela Tungo Sa Pangarap

     

BEAGIVER hmarljhun
Isang youth volunteer sa aming simbahan.at isang sakristan ..kaya Kung e take a risk na darating sa buhay ko
CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
10/100
From
To
2021/01/30
2021/06/30
 
recent purchases
Anonymous
3 months ago