Gamit Mo…Handog Ko…Batch 11

Sinimulan ko ang proyektong “Gamit Mo… Handog Ko…” limang na taon na ang nakararaan upang ipagdiwang ang aking kaarawan sa mas makabuluhang pamamaraan— sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga school supplies sa mga estudyanteng nangangailangan. Dahil sa suporta ng aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay naging matagumpay ang mga nagdaang batch ng aking “Gamit Mo… Handog Ko…” campaign. Patunay ng bunga ng suporta ninyo ang dami ng kabataang naabot ng ating campaign at nabuhayan ng loob na ipagpatuloy ang pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Kaya naman muli sa ika-11 na batch ng campaign na ito ay muli ko kayong inaanyayahan na suportahan ang layunin nating makaabot sa marami pang nangangailangang estudyante lalo na sa panahong ito. Sa batch na ito ng aking campaign ay nais nating abutin ang mga kabataang kabilang sa 4Ps category, mga nasa malalayong lugar at liblib na tirahan bago dumating ang paparating na pasukan.

Ang pagbibigay ng Php 240.00 na suporta sa isang bata ay maglalaman na ng mga sumusunod:

Plastic Envelope
Yellow Paper
Pad Paper
Pencil
Ballpen
Sharpener
Eraser
Crayons

Sana ay suportahan ninyo ang aking campaign. Maraming salamat po!


If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:

Gamit Mo…Handog Ko…Batch 11

     

 

CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
0/100
Amount
0.00/24,000.00
 
 
From
To
2021/09/01
2021/09/30