Paskong Handog para sa mga Kapatid na Mangyan

Ito ang kuwento ng mga katutubong Mangyan ng Occidental Mindoro na nais kong ibahagi sa inyo. Sa umaga, sila ay umaakyat ng bundok na ilang kilometro ang layo upang doon ay mamukid. Kapag mag-aani na ay pasan nila ang palay pababa at hindi alintana ang pagod at taas na kanilang pinanggalingan. Minsan, sila ay nagbabayo upang may makain o ‘di kaya naman ay nag lalaga ng saging o tinatawag nilang NAMI upang maging kanin. Sila ay umaasa lamang sa pag uuling o pangunguha ng saging upang maging palit kalakal. Sila ay mga batang kahit kapos sa materyal na bagay ay masisipag mag-aral.

Sa halos tatlong taon ko na naging kasama sila ay ganoon nalang ang pagnanais ko na makahanap ng tulong para sa kanila. Hiling ko na makatanggap sila ng regalo ngayong pasko. Hindi sila gaano marunong mag-Tagalog, lalo na ang mga matatanda, at kahit man may sarili silang kultura ay marunong pa rin silang makisalamuha.

Sa halagang PhP 800  ay makakabili na ng isang Noche Buena pack para sa isang pamilyang Mangyan na may nilalaman na:

-1 Spaghetti pack
-1 can of Fruit Cocktail
-1 Loaf bread
-1 pack of Sliced ham
-5 kgs Rice
-2 cans of Sardines
-2 cans of Corned beef
-2 cans of Tuna
-5 packs of Instant Noodles

Maraming salamat po! Ang inyong kontribusyon ay labis na makakatulong sa mga katutubong Mangyan dito sa Sitio Pandalagan Sby. Occidental Mindoro.

___________________________________________

If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:          PASKONG HANDOG PARA SA MGA KAPATID NA MANGYAN

                 

CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
0/100
Amount
0.00/80,000.00
 
 
From
To
2020/12/01
2020/12/25 12:00 AM