Liwanag sa Sitio Buhangin

Sa loob ng 48 na taon, lampara lang ang gamit sa tuwing gabi ay sasapit. Sa gitna ng dampang bahay ay isasabit, upang masilayan ang pagkain na kanin at isda na nabingwit. Darating na ang pag asang inaasam-asam sa ilang dekadang madilim.

Ako si Sitti Maryam mula Sittio Buhangin Hawpoh, Barangay Pagatpat Municipality of Tapul Sulu Province at sinimulan ko ang campaign na ito sa hangarin na mabigyang ilaw ang mga tahanan sa aming komunidad. Sa pamamagitan ng campaign na ito ay nais ko rin ipaalam sa karamihan ang kalagayan ng aming komunidad at humingi ng tulong mula sa inyo. Tinatayang 60 na tahanan ang walang kuryente sa amin at sa pamamagitan ng inyong tulong at kontribusyon ay malalagyan ng solar lights (solar panel) ang mga tahanan na ito. Sa halagang PhP6250 ay makakabili na ng isang solar light at ito ang mga materyales na bumubuo dito:

-Solar Panel (30Watts)
-Battery 12V 40ah
-Solar Panel Charge Controller PWM 10A 12V-24V (2 Way USB output)
-DC 12volts LED Bulb (9watts)
-Speaker Cable Wire #14
-Aligator Clip
-Electrical Tape

Isa lamang ito sa marami pang pangangailangan ng aming komunidad. Ngunit bawat solar light (solar panel) na makakabit ay napakalaking tulong sa pang araw-araw na pamumuhay namin. Ito rin ay magsisilbing pag-asa para sa mga kabataan na nag-aaral tuwing gabi.

Maraming salamat at bawat kontribusyon na inyong maitutulong ay may katumbas na ngiti at pag asa sa mga mamamayan ng Sittio Buhangin Hawpoh.

 

Campaign created for: Indah Jai and Imam Taraji Pisingan, Community Leaders of Sitio Buhangin, Brgy. Pagatpat, Tapul, Sulu Province.


If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:

Liwanag sa Sitio Buhangin

 

     

CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
0/60
Amount
0.00/375,000.00
 
 
From
To
2020/11/03
2021/06/30