Kagamitan para sa Kabataan

Hi, I’m Pastor Jin! Ako po ang nangangalaga sa dalawang kongregasyon sa relocation site dito sa Baras, Rizal at bilang isang pastor ay misyon ko po na maipalaganap ang salita ng Diyos

Sa apat na taong pamamalagi ko dito sa aming lugar ay alam ko na kung gaano kahirap para sa mga kabataan ang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Maliban sa hindi sapat na allowance ay kulang din ang kanilang kagamitang-pangeskwela na lalong nagiging dahilan upang sila’y panghinaan ng loob.

Nang dumating ang pandemya ay mas naging mahirap ang pag-aaral para sa maraming kabataan dahil hindi naman lahat ay mayroong sapat na resources na makapaglilinang ng kanilang kaalaman. Kaya naman para magbigay ng motibasyon sa mga kabataan dito sa aming komunidad ay sinimulan ko ang campaign na ito na naglalayong magbigay ng mga school supplies sa mga estudyanteng nangangailangan.

Sa tulong ng Diyos, ay inaanyayahan ko kayo na suportahan ang campaign na ito. Sa halagang PHP 415, makakatanggap na ang isang estudyante ng sumusunod:

8 Notebooks
Pencil
Pair of Scissor
Glue
Ballpen
Crayon
Eraser
Ruler
Sharpener
Pencil Pouch
Correction Tape
Colored Paper
Bond Paper
Plastic Envelope
Folder

Mabuhay at pagpalain nawa ng Diyos ang campaign na ito, maraming salamat!


If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:

Kagamitan para sa Kabataan

     

CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
0/100
From
To
2021/08/24
2021/11/30