Ngayong panahon ng pandemya, marami ang mga nawalan ng trabaho at kabuhayan. Isa ang Barangay PUGARO ISLAND sa Dagupan City, Pangasinan na sobrang apektado ng pandemyang ito. Hindi alam ng mga residente doon kung saan kukuha ng pang araw-araw nilang pangangailan tulad ng pagkain. Kaya para maibsan ang kumakalam na sikmura, sila po ngayon ay nangunguha ng TALABA, TAHONG at KAMPIS para ma-ibenta upang may pambili ng bigas at ulam.
Ako po si Loreto, mula rin sa Dagupan City, na kumakatok sa inyong puso na samahan niyo po ang aming grupo na Barangay One Love team upang makapagbigay ng kaunting tulong sa mga residente ng Barangay Pugaro Island para maibsan ang hirap at gutom ng kani-kanilang pamilya.
Sa halagang PhP 570 ay makapagbibigay na tayo ng food pack na may nilalaman na:
1 sack of rice (5kg)
5 pcs. noodles
3 pcs sardines
1 pc powdered milk
4 pcs milo
1 pc of twin pack coffee
Seasonal lang po ang pag kuha ng TALABA, TAHONG at KAMPIS sa ilog kaya ganoon kahirap ang buhay. Tulungan po natin sila. Samahan niyo kami, ang Barangay One Love Project, na maging gabay para tumulong sa kanila.
If you have a PayMaya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.
Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:
Biyayang Pagkain Para sa Barangay Pugaro Island