Agalo Bag po para sa mga batang Alangan

Hi Givers!

Ang Libagon Minority School ay matatagpuan sa Barangay San Agustin sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro kung saan ang mga mag-aaral dito ay kabilang sa mga katutubong Alangan. Karamihan sa aming mga guro na nagtuturo sa paaralan ay nagmumula pa sa bayan. Sa aking pananatili ay nalaman ko na ang pangunahing hanapbuhay ng komunidad ay ang pag-uuling at pagtatanim ng saging na kanilang ibinibenta sa bayan upang makabili ng bigas. Mahirap man ang buhay na kanilang nararanasan ay saksi ako sa kanilang pagsusumikap kaya naman nais kong magbigay ng saya sa mga estudyante sa barangay sa pamamagitan ng pamamahagi ng bag na mapapakinabangan nila nang matagal na panahon. Simbolo rin ito ng kanilang mga pangarap at pagsusumikap na magkapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ako ay lumalapit sa inyo para sa mga estudyanteng katutubo ng Alangan. Sana ay samahan niyo ako at tulungang makamit ang hangarin ng aking campaign!


If you have a Maya account or a Gcash, you may scan any of the QR codes below to contribute.

Please send a screenshot of your successful transaction to our email beagiverph@gmail.com and put in the subject:

“Agalo Bag po para sa mga batang Alangan”

BEAGIVER Beth
Married,simple housewife with 5 kids😊 Kasalukuyang lumalaban sa kidney failure at nagmimaintenance po,, Kapitbahay nmin mga katutubong alangan na sobrang npamhal n skin,dti akong day care worker ng mga btang katutubo pro dhil ngksakit naplitang tumigil🥰
CAMPAIGN PROGRESS
Quantity
0/100
From
To
2022/08/26
2023/03/31 11:00 PM